DOH, nakapagtala ng 16 na mga bagong kaso ng mas nakahahawang subvariants ng OMICRON

Muling nakapagtala ang Department of Health ng mga kaso ng mas nakahahawang subvariants ng OMICRON sa bansa.

Sa Media Forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong anim na bagong detected cases ng OMICRON BA.5 subvariant; at sampung bagong kaso ng Omicron BA.2.12.1 subvariant.

Sa BA.5 cases, dalawa ang nagmula sa Metro Manila; at tig-iisang kaso mula sa Cagayan Valley, Western Visayas; at Northern Mindanaol habang ang lokasyon ng isang positibo sa subvariant na ito ay vine-verify pa rin.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Apat sa mga ito ang fully-vaccinated na habang kinukumpirma pa ang vaccination status ng natitirang dalwa.

Lima ang ‘recovered’ na habang ang isa ay nananatili pa rin sa home isolation.

Samantala, sa sampung kaso naman ng BA.2.12.1 – apat ang sa Metro Manila; dalawa mula sa CALABARZON; at tig-iisang kaso sa Cagayan Valley, Bicol Region; at Western Visayas; habang ang isa ay isang returning oversease Filipino.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Tatlo mula sa sampu ay fully-vaccinated na, habang under verification ang iba pang pasyente.

Sa kasalukuyan, tinitukoy pa rin ang kanilang mga travel history at kinukumpleto pa ang listahan ng kanilang mga close contancts.

Nilinaw naman ni Vergeire na ang mga bagong detected cases na ito ay hindi maiuugnay sa ‘slight uptick’ ng cases sa bansa.
#