Nakapagtala ang Department of Health ng labing anim na bagong bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok simula bisperas hanggang Pasko.
Nasa 6 hanggang 35 years old ang naputukan na karamihan ay nangyari sa National Capital Region, at higit 90% ay nasugatan sa bahay o kalsada.
Sa kabuuan aabot sa 30% ang nasugatan naman dahil sa mga fireworks.
Muling pinaalala ng DOH na mag-inagat sa mga paputok sa bahay lalo na sa mga daan.
Pinayuhan din ang publiko na ipaubaya sa mga professional ang community fireworks display at tiyaking malayo sa mga paputok o pailaw para iwas disgrasya.
