DOH, muling nakapagtala ng mataas na kaso ng Covid-19

Muling nagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na kaso ng Covid-19 sa bansa kung saan pumalo na sa 781 ang new cases.

Ayon sa DOH, nasa 7,192 ang bilang ng mga aktibong kaso nitong Martes at 7,202 naman nitong Miyerkules.

Ito na umano ang pinakamataas na kaso matapos maitala ang 8,389 noong ika-29 ng Abril ngayong taon.

Samantala, naitala ang mataas na kaso na nasa 4,102 sa National Capital Region (NCR), 1,433 sa Calabarzon, 746 sa Western Visayas, 563 sa Central Luzon habang nasa 397 naman sa Central Visayas.

(ARGIE ERGINA)