Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong weekend ang appointment ni dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Pancratius Cascolan sa ahensya.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na natanggap nito ang appointment papers ni Cascolan at ng abogadong si Charade Mercado-Grande, na maglilingkod bilang OIC-Undersecretary of Health/Assistant Secretary ng Health Regulation Team.
Hindi naman idinitalye kung anu ang magiging trabaho ni Cascolan sa DOH.
Si Cascolan ay nagsilbing co-author ng Oplan Double Barrel, na nakatutok sa mga high-value target sa ilalim ng madugong war on drugs na itinakda ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ilang araw lamang bago ang kanyang pagreretiro noong Nobyembre 2020, sinabi ni Cascolan na bukas siya sa isang bagong posisyon sa gobyerno kung saan itinalaga siya bilang undersecretary ng Office of the President noong Pebrero 2021.
