DOH: Kaso ng tigdas at tigdas-hangin sa Pilipinas, tumaas ng 5 beses

Kinumpirma ng Department of Health na tumaas ang kaso ng tigdas at tigdas-hangin sa bansa ng limang beses ngayong taon.

Simula noong Enero hanggang nitong Abril, nakapagtala ang bansa ng 2,264 na kaso ng nasabing sakit.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Samantala, iniulat naman ng DOH na matagumpay na nabukanahan laban sa mga sakit ang nasa mahigit 1.1 milyon bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Matatandaan na noong Marso 22, idineklara ng BARMM Ministry of Health ang measles outbreak sa rehiyon.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ang tigdas ay isang nakakahawa at posibleng malubhang sakit na pangunahing naipakakalat sa pamamagitan ng hangin pagkatapos umubo o bumahing ng isang indibidwal na may sintomas.