DOH, hinikayat ang mga nurse na magtrabaho sa gov’t health facilities

Pinaplano ng Department of Health (DOH) na makipagtulungan sa ibang ahensya ng gobyerno sa paghimok sa mga nurse sa bansa na magtrabaho sa mga state health facilities.

Dahil dito, makikipag-ugnayan ang ahensya sa Professional Regulation Commission (PRC) upang matukoy ang bilang ng mga nurse na pumasa sa board.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Makikipagtrabaho rin ang ahensya sa Department of Labor and Employment (DOLE) para ma-trace ang mga nurse na hindi employed sa health sector.

Maliban dito ay aalamin din ng health department ang mga bakanteng posisyon sa mga government health facilities, upang matukoy ang mga vacancies kung saan maaaring ipasok ang mga nursing board passers.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sa huli, iginiit din ng DOH na tatrabahuhin nila ang pagpapataas ng sahod sa mga nurse, at isusulong nila ang mga benepisyo ng mga health care workers.