Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 883 na mga bagong kaso ng COVID-19, habang bumaba naman ang tally ng mga active cases sa 17,481.
Ito’y matapos ang limang sunod-sunod na araw, na mahigit 1,000 mga kaso ng COVID-19 ang napaulat.
Sa ngayon, ang nationwide COVID-19 tally ay sumipa pa sa 4,042,936.
Sa nakalipas naman na dalawang linggo, nangunguna parin ang National Capital Region (NCR) sa mga rehiyon na may pinakamataas na mga bagong kaso sa 5,152, sinundan ng Calabarzon sa 2,041, Central Luzon sa 1,061, Western Visayas sa 932, at Central Visayas sa 829.

Sa gitna nito, tumaas ang recovery tally sa 3,960,685, habang ang death toll ay umakyat sa 64,770. //MHEL PACIA