Pabor sina Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Enrile Uy at Senator Imee Marcos para sa hybrid election system.
Inihayag ni Uy ang kanyang preference para sa hybrid election system bago pagdesisyunan ng communication committee ng makapangyarihang Commission on Appointments ang pagrekomenda sa kumpirmasyon sa kanyang appointment bilang DICT chief.
Kaugnay nito, mas gusto ni Uy ang hybrid system, kung saan ang pagbibilangan sa precinct level ay gagawin manually at ang transmission sa mga resulta ang magiging automated.

Sa parehong CA committee hearing din nanindigan si Senator Marcos na ang hybrid election system ay magbibigay sa mga tao ng ebidensya na hindi available sa kasalukuyang automated system.
Ayon sa senadora na siyang naghain sa Senate Bill No. 1950 o ang Hybrid Election Act noong nakaraang Kongreso, na ang panukalang system ay hindi dapat maging complicated. //MHEL PACIA