DOH Bicol nagpadala ng medical team mula sa BRTTH patungong Caraga Region upang magbigay ng libreng gamot sa mga biktima ng Bagyong Odette

BICOL- Bagamat tapos na ang kapaskuhan namamayani pa rin sa bawat Bicolano ang diwa ng pagtutulungan at pagbibigay.

Kahapon lamang ay nagpadala ng isang medical team ang Department of Health Bicol Center for Health Development sa CARAGA Region upang tumulong sa pagbibigay ng libreng pang-gagamot sa mga indibdiwal na biktima ng bagyong Odette.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Sa ulat aabot 15 medical practitioner mula sa Bicol Regional Training ang Teaching Hospital (BRTTH) ang patungo sa nasabing rehiyon upang magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.

Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody

Ilan sa mga serbisyong ilalapit ng medical team ay ang mental at psychological services kalakip ng mga gamot, bitamina at hospital commodities na ipamamahagi ng mga ito sa mga nangangailangan.