22 COVID- 19 fatalities at 101 recoveries naitala sa Bicol Region kahapon

BICOL- Sumipa na sa 1948 ang kabuoang bilang ng mga namatay sa sakit na Covid 19 sa Bicol Region, matapos makapagtala ng 22 karagdagang fatalities ang DOH kahapon.

Sa datus ng ahensya, ang 15 sa  mga nasawing indibidwal ay mula sa lalawigan ng Albay, apat sa Legazpi City habang 3 naman sa Camarines Norte.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Samantala, mayroon namang isang karagdagang kaso ng sakit na nairehisto kahapon sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur.

Dahil rito, nasa 2,777 na ngayon ang bilang ng aktibong kaso ng Covid 19 sa buong rehiyon.

Sakabila nito, mayroon naman na 101 inidbidwal na gumaling sa nasabing sakit kung saan 92 nito ay nairehistro sa lalawigan ng Albay; anim sa Camarines Sur habang 3 ang gumaling mula sa lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Patuloy naman ang paalala ng ahensya sa publiko na sundin ang bida solusyon plus sa Covid 19 para sa serbisyong salud Bicolnon.