DOH Bicol, nagpaalala sa mga nagbabalak mag-outing ngayong tag-init

LEGAZPI CITY – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) Bicol tungkol sa mga dapat na gawin ngayong summer season upang maiwasan ang anumang insidente sa mga beach resorts o swimming pool.

Ayon kay Dr. Chris Gianan, Safety and Health Advocate at ang pangulo ng Bicol Occupation and Safety Health Network, magdoble ingat dahil tuwing nagbabakasyon, ang karaniwang puntahan ng mga turista ay mga beach resort, falls at swimming pools.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Aniya, dapat tiyakin ng mga turista ang lugar o paligid ng kanilang pupuntahan at alamin din ang mga ipinagbabawal upang maiwasan ang hindi inaasahang mga insidente.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Dapat umanong tiyakin ng mga turista na mayroong lifeguard ang resorts na pupuntahan upang mabilis ang pagresponde, kung sakaling mayroon man malunod.

Dagdag pa nito, kung mayroong hindi marunong lumangoy, kailangang magkaroon ng life vest o salbabida para sa kaligtasan.