DOH Bicol, may babala hinggil sa mga fake news sa social media patungkol sa Omicron sub-variant XBB

LEGAZPI CITY – Nagbabala ang Department of Health (DOH) Bicol sa publiko hinggil sa kumakalat na mensahe sa social media at messaging apps na may kinalaman sa hindi tumpak na impormasyon tungkol sa variant ng Omicron XBB.

Ayon sa tanggapan, sa pangkalahatan, ang COVID-19 ay nagpapakita ng mga sintomas tulad ng trangkaso, lagnat, ubo, pagkapagod, pagkawala ng lasa o amoy, pananakit ng lalamunan, sakit ng ulo, pananakit ng katawan, at pagdudumi.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Para sa tamang pagsusuri ng mga sintomas, kumonsulta sa mga eksperto o magtungo sa pinakamalapit na health facility upang makatulong na maiwasan ang karagdagang pagkalat ng COVID-19.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Hinikayat rin ang mga tao na ipagpatuloy ang pag-obserba ng kalinisan, pagsuot ng facemasks, social distancing, at proper ventilation.

Maliban dito, ang pagbabakuna ay nananatiling pinakamahusay na depensa laban sa malubhang sintomas ng COVID-19.

Dagdag pa ng ahensya, kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga lehitimong mapagkukunan at plataporma.