Hinuli ang tatlumpo’t walong (38) mga mangingisda mula sa Quezon, Province, ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Linapacan, Palawan.
Ang mga hinuli ay lulan ng labinwalong (18) pumpboat.
Ilegal umano ang pagpasok nito sa karagatan ng munisipyo ngunit wala silang pahintulot sa LGU at walang fishing permit.
Ayon sa pa LGU, nangamba ang mga mangingisda sa ng Nangalao at Cabunlawan dahil sa kapansin-pansing pagdami ng mga dayong mangingisda sa karagatan ng Linapacan na nagiging banta sa food security ng mga residente.
Ang mga nahuling mangingisda ay iprinisenta ng Municipal Police Station kay Mayor Emil Neri at napag-alaman kung saan nagmula ang mga ito at ang kanilang mga bangka.
Dahil umano sa pinaigting na kampanya laban sa illegal fishing, natatakot na daw ang mga mangingisda sa ibang kalapit na probinsya na mangisda sa karagatang sakop ng Linapacan dahil sa nakaambang kaparusahan.