LEGAZPI CITY – Panaliwanag ng Department of Health Bicol kung bakit kailangan magpa test para sa Tuberculosis itoy kasabay sa paggunita ng World TB day.
Ayon kay Lilian Rose Contessa Encisa, medical technologist, at Senior Health Program Officer ng DOH-Bicol CHD, ang sinumang mayroong signs and symptoms ng tuberculosis ay maaaring pumunta sa pinakamalapit na health center o sa TB-Directly Observed Therapy facility.
Para sa tamang diagnosis Ang tuberculosis ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bacteria na tinatawag na Mycobacterium tuberculosis o tuberde bacilli at maaring makaapekto sa mga baga (pulmonary TB) o iba pang bahagi ng katawan (extra-pulmonary TB).
Ayon sa 2020 National TB Report, ang Pilipinas ang may pinakamataas na insidente ng TB sa Asia, na may 554 na kaso ng TB bawat 100,000 katao noong 2019.
Isa rin ito sa tatlumpung bansa na may pinakamataas na TB-burden sa mundo.
Kabilang sa mga signs and symptoms nito ang pag ubo ng dalawang linggo o higit pa, na maaaring may kasamang lagnat o hindi, pananakit ng dibdib o likod na hindi tumutukoy sa iba pang sakit, pagbaba ng timbang, at blood-streaked sputum or hemoptysis.
Dagdag pa ng ahensya, ang testing and treatment ng TB sa mga local health centers ay libre.
Sa buong Bicol Region, may kasalukuyang apatnapu’t pitong functional Rapid TB Diagnosic Laboratories (RTDLs) or TB-DOTS facilities na matatagpuan sa 6 na probinsya.