DOH Bicol, hinihikayat pa rin ang publiko na gumamit ng kulambo sa gabi

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) Bicol na marami ang hindi na gumagamit ng kulambo dahil karamihan ay gumagamit na ng aircon lalo na ang mga nasa urban area.

Hinihikayat ni Jobal Bachiller, RN, National Aedes-borne Viral Disease Prevention and Control Program (NAVDPCP) ang publiko na gumamit pa rin ng kulambo kapag matutulog upang makaiwas sa sakit na malaria.

Aniya, dapat mabigyan ng proteksyon lalo na ang mga bata sa pamilya dahil sila ang madaling kapitan ng nasabing sakit.

Sa ngayon ay wala pa naman naitatalang kaso ng malaria ang Bicol Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *