DOH Bicol bibigyang pansin ang mga mahalagang parteng pangkalusugan sa kanilang priority areas for health promotion sa susunod na 10 taon

LEGAZPI CITY – Bibigyaang pansin ng Department of Health Bicol ang mga mahalagang parteng pangkalusuhan sa kanilang 7 priority areas for health promotion para sa susunod na sampong taon.
Kabilang sa mga tututukan ang diet and exercise upang mapabuti ang nutrisyon sa katawan , environmental health na malaki rin ang epekto sa kalusugan at immunization na pumipigil na mahawaan ng malubhang sakit na kumakalat sa komunidad.
Dagdag pa rito ang substance abuse na pumipigil sa paggamit o pagkonsumo ng alkohol, sigarilyo at iba pa nakakasama sa kalusugan, ang mental health na isa sa pinaka tutukan ng ahensya para mapanatili ang holistic health, sexual and reproductive health na bibigyang pansin ang sakit na pwedeng makuha rito at paano ito maiiwasan.
At ang ika pito na pagtutuunan ngayong buwan ng marso ang violence and injury protection na layong maprotektahan ang mga nasa komunidad kagaya ng pagkalunod na usong uso ngayong summer season.
Ayon sa ahensya na ang pag pili nito ay dumaan sa komprehensibong proseso at isinasaalang-alang sa mga patakaran at batas na meron ang bansa kasabay ang pagkonsulta sa ibat-ibang sektor kagaya ng National Government Agencies, Local Government Units at iba pang ahensya pampubliko at pribado man.
Layunin ng ahensya na sa pagbibigay tugon sa mga 7 priority areas na ito ay magkaroon ng isang malusog na rehiyon ang Bicol.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City
Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution