DOH 12 nilinaw na wala pang booster shots, vaccination sa mga kabataan sa Soccsksargen

KORONADAL CITY- NILINAW ng Department of Health (DOH) Region 12 na wala pang isinasagawang COVID 19 vaccination sa rehiyon para sa mga kabataan na may edad 12 hanggang 17 anyos.

Ayon kay DOH 12 health education and promotion officer Arjohn Gangoso na hinihintay pa nila ang advisory mula sa central office para sa vaccination ng mga menor de edad.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Inihayag din nito na wala pang ibinibigay na booster shot sa mga mamamayan sa Soccsksargen.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pamamakuna sa mga nasa A1 hanggang A5 priority groups.

Batay sa datos ng DOH 12 noong September 27, umabotna sa 971,681 doses ng COVID 19 vaccine ang naiturok sa naturang mga priority groups, kung saan 486,047 sa mga ito ang fully vaccinated na, habang 485,634 naman ang nakatanggap ng 1st dose.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Pinakamarami sa mga nabakunahan ay nasa priority group A3 o persons with comorbidities kung saan 238,191 na sa mga ito ang fully vaccinated laban sa COVID 19.