Walang nakikitang aberya sa suplay ng kuryente ang Department of Energy sa araw ng botohan sa Lunes, Mayo a-nueve.
Ayon kay DOE Dir. Mario Marasigan, simula noong May 2 ay naka-monitor na ang binuong Energy Taskforce on Election para matiyak na sapat ang suppply ng kuryente sa halalan.

Dagdag pa nito, bente-kwatro oras din umano nilang binabantayan ang lahat ng generating facility kung sakaling magkaroon ng emergency shutdown.
Naniniwala naman ang opisyal na walang magiging problema lalo na pagdating sa transmission ng boto.
Sinabi din ni Marasigan na mahigpit ang pakikipag-ugnayan nila sa AFP, DILG, PNP, at PCG para sa seguridad ng mga linya ng kuryente laban sa mga magtatangkang manabotahe.