DOE, muling tiniyak ang sapat na supply ng kuryente kasabay ng El Niño

Siniguro ng Department of Energy (DoE) na sapat ang kanilang paghahanda para sa mga epekto ng El Niño sa susunod na taon.

Ayon kay DoE Asec. Mario Marasigan, mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon ng iba’t ibang mga planta ng enerhiya nang sa gayon ay matiyak na ‘di magkukulang ang suplay nito pagdating ng tagtuyot.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sa pagtataya – inaasahang nasa 550 hanggang 600 MegaWatts ang kinakailangang kuryente sa unang kuwarter ng susunod na taon.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa ngayon, wala pa raw silang namo-monitor na kakapusan ng energy supply hanggang sa susundo na taon.

Sa kabila niyan, patuloy pa rin ang panawagan nila sa publiko na magtipid ng kuryente.