DND Sec. Teodoro, tiniyak ang buong suporta sa COMELEC kaugnay ng nalalapit na BSKE

Tiniyak ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang suporta nito kasama ang Armed Forces of the Philippines sa Commission on Elections kaugnay ng paparating na Barangay and Sangguniang Kabataan sa October 30.

Ang pagtiyak ay ginawa ng kalihim sa paglagda kahapon ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DND at COMELEC Committee Kontra Bigay.

Layon ng kasunduan na mapalakas ang kampanya kontra sa pamili ng boto at tuluyang wakasan ang impluwensya ng salapi sa prosesong demokratiko.

Sinabi ni Teodoro na kung hindi magiging matagumpay ang halalan, maaari nanamang sumiklab ang Internal instability.

Samantala, lumagda rin ng hiwalay na MOA si AFP Chief of Staff Gen Romeo Brawner Jr. kasama si COMELEC Commissioner George Garcia, kung saan ang poll body ang nagde-deputize sa AFP para sa layuning matiyak ang isang malaya, maayos at mapayapang barangay elections.

Nakatanggap din ang AFP chief ng tseke mula sa COMELEC ng nagkakahalaga ng PHP 40 milyon bilang support fund para sa administrative, operational at logistical na pangangailangan ng militar habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin kaugnay sa darating na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *