DND, pinabulaanan ang Chinese drills sa WPS

Pawang kasinungalingan lamang ang mga ulat na ‘di umanoy isang aircraft carrier ng China ang nagsagawa ng drills sa West Philippine Sea.

Ito ang nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang mga napa-ulat na pagte-training ng mga Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon sa kalihim, kasalukuyang naka-poste ang mga personnel ng Philippine Navt at Philippine Coast Guard sa WPS at wala namang nire-report ang mga ito.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Posible umanong ang mga narinig na drills ng China ay isinagawa sa labas na ng exclusive economic zone ng Pilipinas at hindi naman ito pinagbabawalan.

Sa kabila nito, tiniyak ni Lorenzana na sakali mang mayroong patunayan na paglabag mula sa hanay ng China, kaagad naman silang maghahain ng dilomatic protest.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Mababatid na nagtayo ng tatlong outposts at naglatag ang PCG ng limang mga boya o marker na may watawat ng Pilipinas sa apat na isla sa West Philippine Sea para igiit ang karapatan ng bansa sa pinagaagawang teritoryo.
#