DND, nanawagan na sa US authorities na imbestigahan ang pekeng video laban kay PBBM na inilabas sa isang pagtitipon sa LA

Nanawagan na si Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. sa US authorities na na imbestigahan ang pekeng video laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.na inilabas sa isang pagtitipon sa Los Angeles, California.

Sa naturang video, iniuugnay ang Pangulo sa paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay Teodoro, patunay lamang ang pinekeng video na ito na may mga indibidwal ng matinding plano ng destabilisasyon sa pamahalaan.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Kaugnay nito ay ipinunto rin ng kalihim na hindi ito ang unang pagkakataon na may sumubok na siraan ang gobyerno.

Nag umpisa aniya iyo sa pagpapakalat ng umano’y destabilization plot ng pnp at afp laban sa administrasyong marcos na sinundan ng umano’y isyu sa pagwowalk out ng ilang matataas na opisyal ng afp sa kasagsagan ng command conference nito.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Tinawag din na “isip bata ng kalihim na pagtatangkang sirain ang konstitusyon” ng bansa Aniya, kasama ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ay naninindigan ang DND sa katapatan nito sa chain of command at saligang batas sa ilalim ng liderato ng pangulo.