DNA test ng labi ng tao na natagpuan sa isang bahay sa Hong Kong, kinumpirmang kay HK model Abby Choi

Kinumpirma ng mga awtoridad na labi ng pinasalang na model at influencer na si Abby Choi ang natagpuang sa isang bahay sa Hong Kong.

Sa ulat mula sa South China Morning Post , kinumpirma sa isinagawang DNA test na ang bungo na natuklasan sa isang malaking soup pot at ang dalawang paa na natagpuan sa refrigerator ay ang mga bbahagi ng katawan ni Choi.

Read More:  Bharatpur Hospital in Nepal resumes normal services after morgue overflow

Samantala, ang iba pang parte ng katawan ng modelo ay hindi pa rin narerekober.

Read More:  Haze from Indonesia forest fires reaches Metro Manila

Matatandaang , kinasuhan ng pagpatay ang dating asawa ng modelo na si si Alex Kwong Kong-chi, gayundin ang kanyang 65-anyos na ama na si Kwong Kau, 63-anyos na ina na si Jenny Li Sui-heung, at ang bayaw na si Anthony Kwong Kong-kit. Nakakulong na mga ito at walang inilaang piyansa sa kaso.