Diskwento caravan ng DTI tampok ngayong araw sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Isasagawa ngayong araw ang Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Covered Court ng Munisipyo ng Daet simula alas 8 ng umaga hanggang mamayang alas 5 ng hapon.

Ayon sa ahensiya, bahagi ito ng pagdiriwang ng Pinyasan Festival at kapistahan ng bayan ng Daet.

Tampok sa DTI Rolling store ang pangunahing bilihin at iba pang mga produkto sa mas murang halaga tulad ng gatas, kape, Fresh Chicken and Other Frozen Goods, Over the Counter Medicines at Iba Pang Medical Supplies, Agri-Products, at marami pang iba.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang programang ito ng DTI ay isinasakatuparan sa pakikipagtulungan ng Munisipyo ng Daet.

Ito na ang pangalawang Diskwento Caravan na ginawa ng DTI ngayong taon at ang una ay sa bayan ng Paracale na isinagawa noong Hunyo 10.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa mga nakaraang Diskwento Caravan ay mula sampu hanggang tatlumpung porsiento ang discount na malaking tulong sa mga konsyumer lalo na ngayong bumilis ang inflation o pagtaas ng mga bilihin at serbisyo sa lalawigan.