Kumbinsido ang German authorities na ang Russian diplomat na natagpuang patay sa sidewalk malapit sa embassy sa Berlin noong nakaraang buwan ay isang secret agent para sa Russian intelligence agency.
Ayon sa Der Spiegel magazine, ang namatay na 35 year-old diplomat ay accredited bilang second secretary sa Russian embassy sa Berlin simula pa noong 2019.

Sa kabila nito, naniniwala ang German security officials na ito ay undercover officer para sa FSB ng Russia na Internal security and counterintelligence service at nauugnay sa isang high-ranking FSB officer.
Matatandaan na kamakailan ay iniuugnay naman ang FSB ng Western intelligence services sa murder sa isang Georgian exile na napatay sa Berlin park noong 2019 na itinanggi na ng Kremlin.
Hindi naman sumang-ayon ang Russian embassy para sa autopsy ng diplomat.