DILG, nakatutok sa pagtugis sa kasong pagpaslang sa local broadcaster na si Juan Jumalon

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government o DILG at ng pulisya na nakatutok sila sa pagtugis at pagpapanagot sa may kagagawan ng pagpaslang sa local broadcaster na si Juan Jumalon.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sa isang pahayag, sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr., na inaasahan niya na magkakaroon ng breakthroughs sa kasong ito sa lalong madaling panahon.

Ito’y kasunod ng paglabas ng cartograpic sketch ng isa sa suspek at puspusang imbestigasyon na giangawa ng binuong
Special Investigation Task Group (SITG) “Johnny Walker.”

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Na-enhanced na rin ang mga nakuhang CCTV footages sa tulong ng PNP Regional Anti-Cybercrime Unit.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang DILG sa pamilya ng biktima.