CAMARINES NORTE – Hangad ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang maayos na turn- over mula sa mga dati at bagong halal na mga opisyal ng Barangay.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay DILG Provincial Director Melody Relucio sinabi nito na mayroong tatlong linggo ang mga dati at bagong halal na opisyal para sa isang maayos na turn over.
Kasunod yan ng naging ruling ng Korte Suprema na nagdedeklara sa pagpapaliban ng BSKE na ‘unconstitutional’ kaya ang mga nakaupo ay ‘holdover’ lamang at kailangang bakantehin agad ng mga ito ang pwesto sa sandaling mayroon nang mga bagong halal na opisyal.
Aniya, ilang buwan bago ang eleksyon ay mayroon nang memorandum circular ang ahensiya na nag- aatas sa lahat ng incumbent Barangay Officials na magkaroon ng inventory ng mga dokumento at properties.
Nilinaw din ni Relucio na dalawa lang ang requirement para sa assumption to office at hindi pa kasama ang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) na nire- require naman ng Commission on Elections na dapat mai- file sa loob ng 30 araw pagkatapos ng eleksyon.
