DILG, Cebu prov gov’t, nagkasundong bumuo ng IRR, bago ipatupad ang optional mask rule

Hinihintay nalang umano ngayon ng Department of Interior and Local Government ang implementing rules and regulations (IRR) ng optional na pag-gamit ng facemark outdoors, matapos ang fruitful at productive na dayalogo sa Cebu government.

Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, tinalakay nina DILG Sec. Eduardo Año at Cebu Gov Gwen Garcia ang usapin sa pamamagitan ng telepono, at iginiit na kailangang mag-isyu ang provincial government ng kaukulang implementing rules and regulations, bago ipatupad ang Section 4 ng Cebu Ordinance No. 2022-03.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dahil dito, pinasalamatan ni Malaya si Garcia at ang Cebu government para sa naturang development.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Matatandaan na noong June 9, naglabas ang naturang gobernadora ng Executive Order No. 16, kung saan gagawing optional ang pagsusuot ng face masks sa open spaces, na inaprubahan ng Cebu provincial board para gawing ordinansa noong June 14. //MHEL PACIA