Digital services, ipatutupad ng provincial govt ng So.Cot

KORONADAL CITY- PINAGHAHANDAAN na ng provincial government ng South Cotabato ang pagpapatupad ng digital technologies upang mas mapabilis at mapabuti pa ang pagbibigay NG serbisyo sa mga mamamayan.

Inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na ang susunod na tatlong taon ng kanyang panunungkulan ay magiging digitized government kung saan full swing na ang implementasyon ng digital services.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Ayon sa opisyal na dapat ay maging mabilis ang galaw ng gobyerno kung saan ang mga ‘urgent matters’ ay dapat maaksyunan sa maikling oras.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Hiniling din nito ang kooperasyon ng mga empleyado upang matupad ang direksyon na nais nito para sa lalawigan.

Si Governor Tamayo ay isang IT systems analyst.