Dialysis treatment centers sa Norala, Polomolok malapit nang buksan

KORONADAL CITY – INAASAHAN na ngayong 1st quarter ng taon ay magiging operational na ang dialysis treatment center sa bayan ng Norala at Polomolok.

Inihayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na patapos na ang renovation ng building na paglalagyan ng mga machines sa Norala District Hospital at Polomolok Municipal Hospital. Dumating na rin aniya ang mga dialysis machines at naayos na rin ang mga electrical wirings.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Napag-alaman na 10 machines ang ilalagay sa Norala at 10 din sa Polomolok. Sa pamamagitan nito, mas madadagdagan pa ang mga mahihirap na pasyenteng makakapag-avail ng libreng dialysis treatment. Sa kasalukuyan, ang South Cotabato ay nagpapatupad ng Free Dialysis Treatment sa South Cotabato Provincial Hospital.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique