DHSUD, aminadong hindi kayang abutin ang 6million housing bago matapos ang termino ng Marcos administration

Ibinaba ng Department of Human Settlement and Urban Development o DHSUD ang housing target nila sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa pre-SONA briefing, aminado si DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na hindi nila kayang abutin ang una nilang target na 6million housing para sa 4PH o Pambansang Pabahay Para sa mga Pilipino.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Kaya target nila ngayong makapag tayo man lang ng 3 million housing pagsapit ng taong 2028.

Sinabi ni Acuzar na maraming hadlang sa proyekto, tulad ng pagpopondo sa mga contractor at land acquisition.

Sa ngayon meron na anyang 40 projects ang DHSUD na under construction sa iba’t ibang lugar sa bansa na katumbas ng 140 thousand units.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Inaaasahan din ng DHSUD na aabot pa ito sa 100 projects bago matapos ang taong 2024.

May nakalatag pa anyang 1.2 million housing projects, at kasalukuyang silang nakikipag usap sa mga bangko at iba pang financial institution para mapondohan.