Desisyon ukol sa disposisyon ng sinuspinding small town lottery, ibinigay na sa gobernador ng Albay

Ibinigay na ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay ang pagdedesisyon ukol sa magiging disposisyon ng sinuspinding operasyon ng mga small town lotter kay Governor Atty. Edcel “Grex” Lagman.

Ang desisyon ay kasunod ng parehong obserbasyon ni BM Reynaldo Bragais at BM Dante Arandia sa naging reaksyon ng Royal Fortune Gaming Corporation sa Provincial Resolution No. 0361-2023.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Sa naging mensahe ng dalawang board members, binigyang-diin na mistulang nabastos ang mga miyembro ng sanggunian matapos na hindi dumalo ang mga tauhan ng korporasyon.

Napag-alaman umano na naging dahilan ng korporasyon ay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sila ang nararapat na sumagot sa mga katanungan.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Matapos ding maglabas ng pinal na desisyon ang sanggunian tungkol sa operasyon, napagdesisyunang hintayin na lamang ang reaksyon at rekomendasyon ng gobernador sa kanilang naipasang resolusyon.