BICOL – MULING binigyang-diin ngayon ng Department of Agriculture Bicol ang malaking potensyal ng bamboo industry sa rehiyon pagdating sa sustainable livelihood at environmental protection.
Kasabay ito ng pagdiriwang ng World Bamboo Day kung saan isang bamboo tree planting activity ang ikinasa ng D.A-Bicol na nilahukan ng kawani at ilang volunteers.


Ayon kay D.A-Bicol Regional Director Rodel Tornilla, layon nitong palakasin ang bamboo industry sa rehiyon bilang source of income sa mga magsasaka at negosyante sa pamamagitan ng paglikha ng ‘venue for learning.’
Patuloy din umano kasing tumataas ang demand sa bansa para sa mga kawayan bilang raw material para sa paglikha ng mga muebles, papel, cottages, construction, power generation projects, at iba pang handicrafts.
Sa rehiyon, mayroon na umanong 20 ektaryang taniman ng mga Beema bambo sa probinsyan ng CamSur na napasimulan pa noong nakaraang taon at maraming mga bayan din na kawayan pangunahing gamit sa paglikha ng kanilang mga One Town, One Product project.


Bukod pa rito ang napakarami umanong ecological benefits ng kawayan dahil sa tulong nito upang ma-stabilize ang lupa at mga ilog gayundin kakayanan nitong mabuhay sa maraming kondisyon ng lupa.
Ngayon taon ipinagdiriwang ang 2nd World Bamboo Day sa temang
Alay ng Bayan sa Inang Kalikasan: KAWAYAN.