Deped tiniyak na hindi masasayang ang mga dumarating pang modules kahit face-to-face na ang klase

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Department of Education na hindi masasayang ang mga dumarating pang modules kahit face-to- face na ang klase.

Ayon kay Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo marami pang learning modules ang dumarating mula sa Central at Regional Office.

Simula umano ng magbukas ang klase noong Agosto 22 ay halos lingguhan pa may dumarating na dalawa hanggang tatlong truck ng modules.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Binigyang diin ni Guemo na hindi ito dapat masayang dahil malaking pera ang ginugol dito ng gobyerno.

Kaugnay nito  sinabi ng opisyal sa mga eskwelahan na huwag itong i- stock sa halip ay dapat pakinabangan ng mga estudyante.

Pwede umano itong gamitin ng mga guro sa pagbibigay ng application part ng aralin o kaya naman ay sa pagbibigay ng assignment sa halip na magsulat pa sa blackboard.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Maaari aniyang gamitin ng mga guro para sa assignment ang learning activity sheets mula sa module.

Magagamit din umano ito sa Alternative Learning System lalo na sa senior high school.

Sa ngayon ay ipinapatupad ng DepEd ang  4- day face-to- face classes at isang araw namang distance learning.

Sa second quarter ng school year ay magiging isang daang porsientong  face-to-face classes na.