DepEd-Sorsogon, nagbigay ng opsyon para sa in-service training ng mga guro

SORSOGON CITY – Dalawang opsiyon ang inilatag ng Department of Education (DepEd) Sorsogon Province kaugnay sa in-service training ng mga guro na naka-eskedyul sa linggong ito.

Sa pahayag ng Kagawaran, maaaring ipagpaliban muna ang nasabing aktibidad sa mga lugar na mayroong mga kaso ng COVID-19,  mga lugar na hindi pa pinapayagan ang mga gatherings at eksistido pa rin ang mga restriksyon.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Habang pinapayagan naman itong isagawa sa mga lugar na libre sa nasabing sakit.

Hakbang umano ito upang masigurong protektado mula sa nasabing sakit ang mga guro sa lalawigan.

Read More:  Over 1,200 displaced as monsoon rains swamp Negros; Classes, sea travel suspended

Samantala, kinumpirma naman ng ahensya na nagtapos na ang dalawang linggong academic health break ng mga paaralan sa lalawigan kung saan sa ika-7 ng buwan ng Pebrero ay magsisimula na ang 3rd quarter ng kasalukuyang school year.