DepEd, planong itakda sa Aug. 23, Sep. 6, o 13 ang class opening

Plano ng Department of Education (DepEd) na buksan ang klase ngayong school year sa August 23, September 6, o sa September 13. 

Sa isang statement, sinabi ng DepEd na depende sa approval ni Pangulong Rodrigo Duterte ang final school calendar para sa school year 2021-2022.

Sinabi ng kagawaran na imumungkahi nila ang tatlong petsa para sa opening of classes. 

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Dagdag ng DEpEd, susundin nila ang desisyon ng pangulo na i-postpone ang pagpapatupad ng limited face-to-face classes sa mga low-risk areas sa gitna ng pag-usbong ng mga mas nakakahawang COVID-19 variants sa bansa. 

Anila, ang prayoridad ng DepEd ay ang kaligtasan ng 27 milyong learners at mahigit 840,000 mga guro kaya babatay sila sa professional assessment ng Department of Health (DOH), IATF (Interagency Taskforce on Emerging Infectious Diseases), at sa desisyon ng presidente para matiyak ang proteksyon ng mga ito. 

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Kaugnay nito, sinabi ng departamento na ipagpapatuloy nila ang paghahanda at pag-improve sa paghahatid ng quality education anuman ang maging sitwasyon ng bansa sa mga susunod na buwan.