4 na rehiyon sa bansa, high risk pa rin sa COVID-19

Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang apat na rehiyon sa bansa na maituturing pa ring high risk dahil sa patuloy na pagtass ng mga naitatalang bagong kaso ng covid-19 at epekto nito sa serbisyong medikal sa lugar.

Kabilang sa mga tinukoy ni DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman ay ang CARAGA, Region 11 at Region 12 sa Mindanao at Region 6 sa Visayas.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Sa datos ng DOH, consistent o tuloy-tuloy ang mga tinatamaan ng sakit sa Mindanao mula noong ikalawang linggo ng buwan ng Hunyo.

Ayon kay Dr. De Guzman, ang Mindanao na rin ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng covid-19.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Kung tuloy aniya ang pagbaba ng kaso sa Metro Manila, ang ilang bahagi naman aniya ng Luzon, Visayas at Mindanao ay lumagpas na ang mga kasong naitala kumpara sa bilang nang mga tinamaan noong kasagsagan ng covid-19 surge sa NCR plus.