DepEd ire-review ang haba ng oras sa face-to-face classes

Balak ngayon ng Department of Education na i-review ang oras na inilaan sa pagtuturo para sa face-to-face classes.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan nakatanggap kasi sila ng feedback mula sa guro na masyadong maiksi ang itinakdang oras sa pagbabalik ng in-person learning.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Sa kasalukuyan, tatlong oras lamang ang dapat itagal sa pagtuturo sa kindergarten students habang apat na oras naman sa mas mataas na grado hangang senior high school.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Sinabi ni Malaluan na makikipagpulong sila sa Department of Health para talakayin ang naturang usapin.

Aminado naman ang Education official na isa pa sa mga concern ng mga guro ay kung papaano pagsasabayin ang face-to-face classes at ang nagpapatuloy na distance learning.