DepEd Bicol, wala pang pormal na komento kaugnay ng planong pagtanggal ng mother tongue bilang asignatura sa grades 1-3

LEGAZPI CITY – Wala pang maibibigay na komento o opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) Bicol hinggil sa planong pagtanggal ng mother tongue bilang asignatura sa una hanggang ikatlong baitang sa elementarya.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DepEd Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, inihayag niyang kinakailangang pag-aralan kung ano ang sinasabi ng mga opiyal na nasa taas o departamento tungkol sa nabanggit na isyu.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Aniya, hindi rin siya basta-bastang magbibigay ng kanyang komento kung hindi pa lubos na napag-aaralan ang mga basehan at epekto nito.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Kinakailangan lamang na maghintay, dahil tatalakayin naman ito at pagdedebatehan ng mga executives at ng management kung saan kasama ang lahat ng regional directors.