DepEd Bicol, nilinaw na walang kinalaman ang pagkamatay ng isang guro sa Daraga, Albay sa pagsususpinde ng class observation sa Bicol

LEGAZPI CITY – Ipinag-utos na ni Department of Education (DEPED) Bicol sa pamamagitan ng memorandum order na pansamantala munang suspendido ang class observation’ ng mga guro sa lahat ng antas ng pampublikong paaralan sa buong Bicol.

Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay DepEd Regional Director Gilbert Sadsad, nilinaw nito na walang kinalaman ang pagkamatay ng isang guro sa bayan ng Daraga, Albay sa kanyang pagpapalabas ng pansamantalang suspensiyon ng class observation.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon kay Sadsad, ang report ng DepEd Albay ay walang umanong pangyayari na pinipilit na mag-observe ang mga guro sa mga araw na iyon at hindi pa established na ang nangyaring pagkamatay ay dahil sa pressure ng school head.

Dagdag pa nito, wala namang pinag-usapan na kung saan ang guro ang dapat na magtakda ng schedule sa school head at hindi principal ang magsasabi na ang pag-oobserba ay by invitation.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Saad pa ni Sadsad, kailangan din tulungan ang mga guro sa pagsasaayos ng mga silid-aralan at magpatupad ng instructional na pamamaraan upang masiguro ang pinalaking pagkatuto at marekober ang gana ng mga mag-aaral sa pagkatuto.

Ang pansamantalang suspensyon ng class observation sa mga guro sa Bicol region ay epektibo noong Septyembre 16 hanggang Oktubre 31, 2022.