DEPED Bicol, nilinaw na may k-12 pa matapos mai-launch ang k-10 curriculum

NAGA CITY – Muling nilinaw ng Department of Education Bicol, na may K-12 curriculum pa matapos mai-launch ang K-10 curriculum.

Napag-alaman kasi ng BNFM Naga, sa ilang mga magulang o estudyante sa Camarines Sur, na umano’y wala nang k-12 at ang mga grade 10 ngayon ay direkta nang magkokolehiyo.

Kung saan hindi ito pinatotohanan ni Regional Director Gilbert Sadsad, ng DEPED Bicol.

Aniya, ang k-12 ay batas na hindi basta, maaaring alisin, at lahat ng nasa grade 10 dadaan pa sa programa. Ang paglunsad naman ng k-10 ay pagbawas sa kasalukuyang asignatura o subject ng bawat level mula grade 1 hangang 10, katulad halimbawa sa grade 1, gagawin na lamang na limang subject imbis pito, at kung ano lang muna ang dapat matutunan ng isang mag-aaral.

Sa k-12 naman ay kasalukuyang pinag-aaralan o nirereview para na rin malaki ang oras ng emersion o on the job training ng mg estudyante, na marahil aniya ay nalito ang mga magulang at mga mag-aaral.

Paraan kasi ito ng gobyerno na mas maging matatag pa at makasabay sa ibang bansa ang mga mag-aaral sa pagdating sa edukasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *