CAMARINES NORTE – Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources sa mga Local Government Unit na pagtingin ang pagpapatupad ng mga batas patungkol sa basura lalo na sa single used plastic.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay DENR OIC Provincial Environment and Natural Resources Officer Nestor Franz Fortuno sinabi nito na dapat ay magkaroon ng magandang programa ang ang mga LGU lalo na sa segregation ng mga basura.
Ang pinakamaganda pa rin umanong gawin ay ma- educate ang mga tao sa waste reduction lalo na ang mga plastic na kung saan- saan lang itinatapon at napupunta sa mga ilog at dagat.
Aniya, hindi dapat napupunta sa mga ilog at dagat ang mga basurang ito dahil maapaektuhan ang pinagkukunan ng pagkain.
Binigyang diin ni Fortuno na kailangan ang “wholistic” approach para masolusyunan ang problema sa basura.
Noong nakaraang taon ay inaprobahan ang Republic Act No 11898 o mas kilala bilang Extended Producer Responsibility (EPR) Act of 2022 bilang amyenda sa Solid Waste Management Act
Sa ilalim ng naturang batas inoobliga ang mga kumpanya na maging responsable sa proper at effective recovery, treatment, recycling o disposal ng kanilang mga produkto matapos itong mabenta at magamit ng consumers. Ani Fortuno isa pa rin ang Pilipinas sa pinamakamalalaking plastic waste contributors sa mundo.
