Demo sa paggamit ng Vote Counting Machine (VCM) nakatakdang gawin bukas sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Isasagawa bukas, Pebrero 16 ang demo sa paggamit ng Vote Counting (VCM) sa bayan ng Basud, Camarines Norte bilang bahagi ng paghahanda sa May 2022 National and Local Elections.

Gagawin ito ala una ng hapon sa Function Hall ng Basud New Sports Complex sa Barangay Poblacion 2.

Ayon kay Election Officer III Virgilio Veras, layon ng aktibidad na ipakita sa publiko ang aktuwal na pagamit ng VCM at ang features and security upang ang mga botante, kandidato at iba pang election stakeholders ay maging panatag sa resulta ng botohan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kabilang sa mga inimbitahan sa roadshow of VCM demonstrations ay ang mga kandidato, mga magsisilbi sa eleksyon at media.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa naturang roadshow ay inaasahang ipapakita ng Comelec ang Voter’s Registration Verification Machine (VRVM).

Ang VRVM ay customized tablet computer na gagamitin ng Electoral Board para i- verify ang identity ng botante .

Ito ay upang masiguro na ang mga registered voters lang ang makakaboto.