Delivery rider, natagpuang patay sa Camalig, Albay

LEGAZPI- Nakilala na ang lalaki na natagpuan patay na nakapiring at tadtad ng bala ng baril sa Barangay Solong, Camalig, Albay na pinanui.

Ayon sa Camalig MPS, nakilala ang biktima na si Omar Alemania, 28 anyos ng Barangay Maopi, Daraga, Albay at isang delivery rider ng isang online shop.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ayon sa pulisya, alas-7 ng umaga nang umalis sa kanilang bahay ang biktima para magdeliver ng mga parcel sa Barangay San Vicente at kalapit pang barangay sa bayan ng Daraga.

Makalipas ang ilang oras, natagpuan na lamang ito na nakapiring at wala nang buhay ang lalaki sa tabing kalsada ng nasabing barangay.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

May mga tama ito ng bala sa leeg, likod at iba pang bahagi ng katawan.

Narekober ng otoridad sa crime scene ang 7 basyo ng bala ng 45 baril at 1 basyo ng 9mm. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.