NAGA CITY- Pumanaw na rin si Ryan Vargas , ang delivery rider na binaril sa San Felipe Naga City nitong Hulyo 6, 2023.
Ito ang kinumpirma ni PSMS Toby Bongon , tagapagsalita ng Naga City Police Office. Aniya pumanaw ito 10:53 kagabi, ayon sa mga doktor.
Nagpaabot ng pakikidalamati ang mga kasama sa trabaho at mga kaanak sa Milaor ni Vargas.
Matatandaan na nirespondehan ng mga otoridad ang insidente ng pamamaril sa isang Subdibisyon pero hindi na nadatnan ang rider dahil dinala na sa ospital. Ang paghahanap ng CCTV footage ng mga otoridad ay nagresulta sa pamamaril sa pulis na si Pat. Ronnie D. Revereza Jr, napatay din ng responding team ang suspek na si Eric Sison.
Wala pang pahayag ang pamilya ng suspek.