Dela Rosa, naniniwalang titiyaking ng 5-man panel members ang balanseng review sa PNP

Naniniwala si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na balanse ang advisory panel na binuo ng gobyerno sa kanilang review sa courtesy resignation ng mga top Philippine National Police (PNP) officials.

Una nang pinangalanan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang apat sa limang miyembro ng panel na mag-aassess sa resignation ng mahigit 900 PNP generals at full colonels, sa layuning malinisan ang kanilang hanay mula sa pagkakadawit sa ilegal na droga.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kaugnay nito si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin angh mangunguna sa panel, kasama ang mga miyembro na sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating Defense Secretary Gilberto “Gibo”Teodoro, at retired Gen. Isagani Nerez, pero ang pang ika limang miyembro ay hindi pinangalanan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ayon sa senador, inaasahan niya ang pagkakaroon ng neutrality at objectivity mula sa panel.