Deklarasyon ng COVID-19 state of national emergency, palalawigin

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ngayong araw na palawigin pa niya ang umiiral na COVID-19 state of public health emergency sa bansa.

Sa kanyang pagdalo sa PinasLakas campaign kanina sa lungsod ng Maynila, sinabi ng Pangulo na nakausap na niya si Department of Health Officer in Charge Maria Rosario Vergeire at plano nilang palawigin ito hanggang December 2022.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Ayon sa Pangulo, sa ilalim ng public health emergency, maraming nakukuha ang bansa katulad na aniya ng pagbili at pagkuha ng mga bakuna sa ibang bansa.

Read More:  Marcos mourns 2 students killed in Zamboanga shooting, orders probe

Mawawala daw kasi ito kapag tinanggal na ang umiiral na state of emergency.

Ngayong darating na buwan ng Setyembre, nakatakda sanang magtapos ang state of emergency na si dating Pangulong Rodrigo Duterte pa ang nagpatupad.
#