Deepfake video ni Pangulong Bongbong Marcos, paiimbestigahan sa Kamara

Nanawagan si House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ng isang masusing imbestigasyon ukol sa deepfake video ni Pangulong Bongbong Marcos na nagbibigay umano ng utos sa militar.

Ayon kay Gonzales, nakataya rito ang pambansang seguridad at ang malisyosong pagpapakalat ng gawa-gawang impormasyon.

Mahalaga aniyang siyasatin ng Department of Information and Communications Technology at Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang insidente.

Punto ni Gonzales, hindi na dapat ito maulit at huwag kunsitihin ang mga kriminal na nais guluhin ang national security at magpakalat ng pekeng impormasyon.

Iminungkahi rin ni House Deputy Speaker David Suarez sa mga ahensya ng gobyerno na magpatulong sa mga eksperto mula sa pribadong sektor para sa ikakasang imbestigasyon.

Banat pa ni Suarez na bagama’t walang pinangalanang lugar, maaaring ang “bogus” na materyal ay nagmula sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Hindi umano dapat magpaloko ang mga sundalo sa deepfake video kasabay ng pagtitiwala na tatalima lamang sila sa mga direktibang nagmumula sa opisyal na lines of communication at chain of command dahil sa ipinamamalas na propesyunalismo at pagiging makabayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *