Death toll sa Davao at Caraga regions dahil sa shearline umakyat na sa 18

Umakyat na sa 18 ang iniwang patay ng epekto ng shearline sa Davao at Caraga regions.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ngayong araw, mula sa nabanggit na bilang, sampu ang kumpirmado habang walo ang bina-validate pa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Lahat ng ito ay naitala sa Davao region.

Samantala, umabot na sa halos 1 milyong indibidwal ang mga naapektuhan mula sa 478 barangays sa dalawang rehiyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Pumalo naman sa PHP27.05 milyon ang pinsalang iniwan ng sama ng panahon sa imprastraktura at PHP78.11 milyon sa agrikultura sa dalawang rehiyon.