Tinukoy na ng Railway Minister ng India ang sanhi at mga taong responsable sa likod ng banggaan ng tatlong tren sa India na kumitil sa buhay ng halos 300 katao noong Biyernes ng gabi.
Ayon sa India’s Railyway Minister, nakikita nila sa isa sa sanhi ng banggaan ang electronic signal system.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
San ulat, nasa 288 katao ang namatay at mahigit 850 ang nasugatan.
Ayon sa mga awtoridad, nadiskaril ang isang tren na patungong Norte at bumangga sa kaslaubong na tren.
Nadamay pa sa banggaan ang isa pang nakaparadang tren.
Posible pa umanong madagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil patuloy pa ang search and rescue operation sa mga naipit o nakulong sa loob ng tren.
Isa umano ito sa ikatlong pinakamalalang train collissions sa kasaysayan ng India. Pinakamalala noong 1981 kung saan nasa isang libo ang mga namatay. Sumunod noong 1995 kung saan mahigit 300 ang nasawi.//CA
